Bawat taon ipinagdidiwang natin ang Buwan ng Wika bilang patunay na ipinagmamalaki natin ang sariling wika. Ngunit sa panahon ngayon, marami nang kabataan ang naiimpluwensiyahan ng mga lengguwahe sa iba't ibang bansa. Katulad na lang ng Korean at English na mas tinatangkilik ngayon. Ang mas malala pa dito'y minsan ginagamit narin ng iba ang kultura ng naturang bansa.
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas mabaho pa sa malansang isda", yan ang sabi ni Dr. Jose Rizal na sa tingin ko ay nalalaos na. Paano ba naman kase sa panahon ngayon marami ng mga malalansang isda na ang tinutukoy ko ay ang mga taong hindi na marunong mahalin ang sariling wika. Kaya ipinaglaban ng mga pilipino ang kalayaan upang hindi maimpluwensiyahan ng kastila ang ating bansa pero sa ginagawa natin ngayon ay parang kawalan na ng respeto sa mga bayaning nagbuwis buhay para sa ating bansa para lang sa ating kalayaan ng sa ganoo'y magawa natin ang mga ninanais nating gawin. Ngunit kailangan rin nating limitahan ang mga ninanais nating gawin. Ang tunay na pilipino, ipinagmamalaki ang sariling wika kahit saang bansa man siya pumunta. Hindi pagiging mayaman ang marunong magsalita ng ibang lengguwahe, ang ibig sabihin lang ng ganoon ay ikinakahiya mo ang sarili mong wika. Hindi nakuntento sa sariling wika at naghanap pa ng iba.
Kailangan nating respetuhin ang sariling wika bilang respeto sa ating mga bayaning nagbuwis buhay para sa ating kalayaan. "Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino"
Source:https://www.google.com/search?q=wikang+katutubo&sxsrf=ACYBGNRFXLXIFcDdKyCW4zRony6LTsFfwg:1568960363541&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwixuIrp4N7kAhVW62EKHSPPC9wQ_AUIEigB&biw=1366&bih=657#imgrc=39A0KGlOOmG51M:
No comments:
Post a Comment